{{:: 'cloud_flare_always_on_short_message' | i18n }}
Check @genius for updates. We'll have things fixed soon.
D8f10cb4cbdd962b01ac32220a5e6d601d8964fe?url=https%3a%2f%2fis5-ssl

Ang Awit Natin

Janine Teñoso

Ang Awit Natin Lyrics

[Verse 1]
Minsan sinabi natin, walang ibang mamahalin
Tulad ng himig ng hangin, dati 'ko nang napapansin
Naririnig ko sa awit ang buhay natin
Biglang nag-iba ang buhay, nagkasundong maghiwalay
Ipilit man, 'di na sanay, 'di magtagpo mga kamay
Pangako ng awit noon ay hindi nabigay

[Hook]
Mahirap mangako na 'di na kita iisipin
Wala ring mapapala kung uulitin lang natin
Ngayon ay aking aaminin
Sa isip na lang kita makakapiling
Tuwing maririnig ang awit natin

[Verse 2]
Lumipas na ang sandali, iba na rin ang katabi
Tuwing 'di makatulog sa gabi ay inaawit kong muli
Kahit wala ka bigla ‘kong napapangiti

[Hook]
Mahirap mangako na 'di na kita iisipin
Wala ring mapapala kung uulitin lang natin
Ngayon ay aking aaminin
Sa isip nalang kita makakapiling
Tuwing maririnig ang awit natin

[Hook]
Ngayon ay aking aaminin
Sa isip nalang kita makakapiling
Tuwing maririnig
Tuwing maririnig
Tuwing maririnig ang awit natin

More on Genius

"Ang Awit Natin" Track Info